Why hello there! <3
Claustrophobia – ang takot na makulong sa isang sarado, madilim at masikip na espasyo. Kadalasan itong nararanasan ng isang tao dahil sa labis niyang pag-iisip sa kung ano ang maaari niyang sapitin sa oras na siya ay makaranas ng suffocation. Kulang-kulang sa sampung bahagdan ng populasyon ng buong mundo ang apektado ng karamdamang ito subalit iilan lamang ang nabibigyan ng karampatang lunas. Makikilala mo agad ang isang taong apektado ng ganitong disorder dahil ginagawa niya ang lahat upang makaiwas sa mga lugar na nagtatagalay ng mga nabanggit na katangian.
Isang lugar na pinangingilagan ng mga taong claustrophobic ay ang elevator.
Ang Piloto
Hindi claustrophobic si Richard Marinay. Kung nagawi ka na sa Capitol Medical Center, marahil ay nakasalamuha mo na siya. Isa siya sa mga elevator personnel na naghahatid sa mga tao sa ospital patungo sa anumang palapag na nais nilang puntahan. Nakangangawit ang kanyang napiling propesyon. Sa kabuuan kasi ng kanyang shift ay nakatayo lamang siya sa loob ng apat na sulok ng kwadrado niyang palasyo na yari sa bakal. Mayroon naman siyang break, isang oras nga lang; kaya ginugugol na niya ito upang sulitin ang komportableng kanlungan ng anumang upuan kanyang mapupuwestuhan.
Dalawampu’t-limang taong gulang na si Kuya Richard. Siya ay tubong-Batangas at bunso sa limang magkakapatid. Nakapagtapos siya ng kursong bokasyonal sa pagmi-mekaniko at nakipagsapalaran sa Maynila upang kumita ng salapi. Kasama niyang nangungupahan sa isang kwarto sa Philcoa ang kanyang asawang si Malou at ang dalawa nilang anak na sina Mary Grace at Mary Rose.
Hindi na rin mabilang ni Kuya Richard kung pang-ilang trabaho na itong napasok niya. Minsan na kasi siyang nagtrabaho sa isang talyer bilang mekaniko, mensahero sa isang opisina, janitor sa isang paaralan, bellboy sa isang motel at marami pang kung anu-anong uri ng sideline. Kadalasan kasi ay contractual siya; at mas madalas pa, hindi sapat ang suweldo niya kaya napipilitan siyang maghanap ng ibang pagkakakitaan. Walang permanente.
Ang Pasahero
Si Kuya Richard ang bossing ng sarili niyang mundo. Kahit paano, nakararamdam siya ng pagkakaroon ng kapangyarihan sa tuwing pinipindot niya ang mga buton ng palapag na nais tunguhin ng kanyang mga manlalakbay. Siya lang kasi ang maaaring pumindot sa mga buton na ito. Wala nang iba pa.
Iba’t ibang uri ng tao ang kanyang nakakasalamuha sa elevator. Sila ang mga tauhan sa kanyang paraiso. Bawat isa ay may taglay na kuwento.
Alam na niya agad kung doktor o nars ang sumasakay. Kitang-kita naman sa suot nilang uniporme. Sa ilang buwan niyang pagtatrabaho sa ospital, naging malapit na rin ang loob niya sa kanila. Sa kadyot na panahon ng kanilang pag-uututang-dila na nagiging madalas, dahil sa araw-araw nilang pagsakay at pagbaba, naging malapit na sila sa isa’t isa. Kung kalmado raw ang mga ito, tiyak niyang magsasagawa lamang sila ng routinary rounds sa mga pasyente. Kung sila naman ay aligaga, mahihinuha niyang isang pasyente ang nasa bingit ng alanganin at nangangailangan ng dagling lunas.
Si Kuya Richard din ang nagsisilbing tulay upang maihatid ang mga pasyente sa silid kung saan sila ilalagak. Nasanay na siya sa nananamlay na mukha ng mga ito dulot ng kanilang taglay na karamdaman. Mayroong npasyente na simpleng ubo, sipon o lagnat lamang ang iniinda. Mayroon namang nasira ang tiyan dahil sa hindi natunawan. Nanlulumo naman siya sa tuwing maisasakay ang mga pasaherong may malubhang sakit tulad ng kanser at stroke. Batid niya na lahat sila, kabilang na siya, ay nag-aasam ng kaginhawaan.
Syempre, hindi mawawala ang mga palabas na ng ospital. Sila ang mga taong nakaligtas na mula sa bingit ng panganib at napagkalooban ng isang bagong buhay. Mababanaag sa kanilang mga mukha ang pagbabalik ng kanilang resistensiya at ang kagalakan na muling makauwi sa kani-kaniyang tahanan. Sa lahat ng mga discharged nang pasyente, ang nag-iiwan daw ng matinding kurot sa kanyang puso ay ang mga babaeng bitbit ang kanilang mga bagong-silang na sanggol. Bagong buhay, bagong pag-asa.
Kung drama naman ang pag-uusapan, pinakamasalimuot na raw ang istorya ng mga bisita at tagapagbantay. Ang sandaling panahon na inilalagi nila sa elevator ay ang kanilang pinakamatagal na paghihintay. Karamihan daw sa mga taong ito ang hindi mapakali dahil sa pag-aalala sa kanilang mga kamag-anak o kaibigang pupuntahan. Napapaisip at nababalisa sa kung anong kalagayan nila daratnan ang mahal sa buhay. Matapos man ang oras ng pagdalaw, hindi pa rin buo ang kanilang kaligayahan. Hindi kasi nila mapigilang mag-isip sa kalagayan ng minamahal sapul sa oras na isinara nila ang pinto ng silid na dinalaw. Walang katiyakan.
Ang Biyahe
Hindi pwedeng magsawa si Kuya Richard sa kanyang routine. Isa itong tungkulin na dapat niyang pangatawanan dahil kung mawawala ito ay hindi na naman niya alam kung saan siya pupulutin. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, naging opisina na niya ang elevator na sumasakop sa kabuuang walong palapag ng gusali: mula sa basement hanggang sa 7th floor. Bubukas at sasara ang pinto. Hihinto at gagalaw. Pataas at pababa.
Bakit nga ba siya nagtatrabaho? Gaya ng nakararami, upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang panganay niyang si Mary Grace ay kasalukuyang nasa Kindergarten sa isang pampublikong day care center habang si Mary Rose naman, ang bunso, ay magdadalawang taon pa lamang. Marami silang pangarap ng kanyang asawa para sa mga anak. Tulad ng sinumang magulang, hangad nilang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga bata: masusustansiyang pagkain, magagarang kasuotan, maayos na tirahan, at syempre, pamanang edukasyon.
Malayu-layo pa ang lalakbayin ni Kuya Richard. Matagal-tagal pa siyang magbabanat ng buto. Patuloy pang mapupudpod at mangangalyo ang kanyang hintuturo sa maya’t-mayang pagpindot sa mga buton. Ilang libong beses pa siyang magtataas-baba sa elevator. At higit na ilang libong beses pa ring bubukas at sasara ang mga pinto nitong yari sa bakal. Baka nga umabot pa sa milyon-milyong tao ang kanyang magiging pasahero. Gaanito man ang mangyari, hindi siya magsasawa. Handa siyang magtiis.
Ang Twist
Kung mayroon mang isang hindi malilimutang experience si Kuya Richard sa kanyang trabaho, ito na marahil ang naranasan niyang brown out sa ospital habang nasa duty noong kasagsagan ng Bagyong Basyang. Hindi naman daw masyadong matagal na nawala ang suplay kuryente dahil naibalik naman kaagad sa tulong ng generator. Kahit na hindi nagtagal ang brown out, lubusan pa ring tumatak sa kanyang alaala ang karananasang ito.
Dalawa lamang sila noon sa loob ng elevator; si Kuya Richard at si Bert, isang maintenance staff sa ospital. Wala silang kaalam-alam na napakalakas na pala ng bagyo sa labas at ang tanging iniisip lamang nila ay ang papatapos na nilang shift. Kinabahan na sila nang makitang nagpapatay-sindi na ang ilaw sa loob ng elevator. At ilang sandali pa nga, nabalot na ng kadiliman ang buong paligid.
Dahil hindi sanay ang kasama niyang si Bert sa ganoong sitwasyon, panic agad ang kanyang naging reaksiyon. Bigla raw nanikip ang dibdib nito at nanagaktak sa malamig na pawis ang buo nitong katawan. Naging alerto si Kuya Richard. Agad niyang sinindihan ang kanyang flashlight at pinindot ang emergency button. Kinalma niya ang kasamahan at tinuruan ng tamang paraan ng paghinga upang maiwasan ang suffocation. Makalipas ang ilang minutong paghihintay, naibalik na sa ayos ang elevator. Lumabas sila pagkabukas ng pinto at isinugod ni Kuya Richard ang kasamahan sa emergency room para mabigyan ng paunang lunas. Hanggang sa ngayon, malaki ang pasasalamat ni Bert sa kaibigang nagligtas sa kanyang buhay.
***
Hindi claustrophobic si Richard Marinay. Sanay na ang kanyang katawan at isipan sa mga lugar na sarado, masikip at madilim. Sa dinami-rami ng kanyang karanasan sa buhay, nahubog na siya ng mga ito upang maging isang matatag na tao. Araw-araw, ang opisina niyang elevator na ang naging palasyo ng kanyang buhay. Alam niya na sa bawat pindot ng buton at sa unti-unting pagkapudpod ng kanyang daliri, dahan-dahan naman siyang napapalapit sa kanyang mga pangarap. Naniniwala siya na tulad ng isang elevator, balang araw, siya rin ay aangat. At sa pag-angat niyang ito, aniya, hindi na niya nais pang muling bumaba.
Tunay nga, ang buhay ng tao ay mawawangis sa pagsakay ng elevator: Iba’t ibang tao at pagkakataon ang dumarating at lumilisan; ngunit walang nananatiling panghabambuhay.
Nanlalagkit sa init
Nanlilimahid ang balat
Sa pinaghalu-halong pawis
Dumi at alikabok
Nais lang kalmahin
Ang pagal na katawan
Mabilis na maliligo
Dahil ayaw mong maiwan
Ng iyong barkada
Sa pagpunta sa Mega
Huhubarin ang pantalon
Ang pang-itaas
Huli ang underwear
At saka papasok
Sa banyo
Bukas agad ng shower
Kuha agad ng sabon
Kuskos ng kuskos saanmang dako
Sige lang nang sige
Hangga’t sa mahilod mo
Ang bawat sulok
Itotodo ang shower
Hanggang sa mabanlawan
Ang kasingit-singitan
Ng katawan
Paglabas sa banyo
Wala nang punas-punas
Diretsong mananalamin
Konting dampi
Ng twalya sa balat
Akala mo’y sapat na
Dadampot ng blower
Ang basa mong mga kamay
Para kahit paano
Matuyo ka naman
Susubukang paganahin
Pero bakit palpak?
Nalimutan mo pala
Itong isaksak
Pipiliting magniig
Ang plug at socket
Puwersahang isasaksak
Hindi na napansin
Ang natalupang pabalat
Ng kordon
Bunga ng pagmamadali
At sa oras na mag-isa
Ang plug at ang socket
Mata mo lang
Ang walang latay.
Minsan, nasabihan ako ng teacher ko na wala raw akong EQ. alam ko namang Emotional Quotient ang tinutukoy niya; hindi ko nga lang alam kung ano ang Emotional Quotient. dahil doon, napa-research naman ako. ilang gabi rin kasi akong hindi pinatulog ng pag-iisip. Pagkabalisa. Emotional Quotient pala ang sukatan ng kakayahan ng isang tao upang mag-empathize. ‘Yung tipong sensitive ka sa kung ano ang nararamdaman ng iba. Again, napaisip na naman ako. Wala nga ba talaga akong EQ? Wala nga ba talaga akong kakayahang makaramdam at makiramdam? At times, feeling ko wala nga. Baka nga tama ang teacher ko. Still, ayaw ko siyang paniwalaan. Gusto kong maniwala na kahit paano, kahit katiting lang, ay sensitive naman ako. May mga gabi pa rin kasing hindi ako pinatutulog ng pag-iisip. Nababalisa ako hanggang ngayon.
I like sitting in quiet corners. Smoking a cigarette. Sipping a flavorful drink. With some colored pens and a scratch paper perhaps. Simple, quiet; that’s me. Behind the flamboyant facade people can see is a fragile soul. There is joy whenever the first rays of sunlight touch my cheeks. The feeling of warmth. It proves life. Waking up to a new morning, welcoming a brand new day. I don’t try to undo the past. I do my best to live in the present. Can’t help but wonder what’s in store for the future. Defined by what was. Figuring things that could have been. And passionate of what will be. Despite all these, I have no regrets. Glad to have had experienced failure; there is reason to stand up. Fight again. Move forward. Succeed. I love my youth. And enjoy it. Sarcasm is my escape. Laughter is my comfort. I wouldn’t want this life to revolve on vengeance. I forgive. Though, I may not forget. I think white lies do not really hurt. The pain only lingers when something you’ve been dying to know was kept a secret. I believe in fairy tales. I am a fan of happily-ever-afters. I dream of neverland. I love my family. Thus, I advocate filial piety. Seems to me it does not show. But I sincerely do.I learned a lot at home. I learned more in school. But I learned almost everything in the streets. Friends keep me going. They have been family as well. There is pleasure when friends backstab other friends. It means you are trusted. Most friends talk. But seldom will you find someone who listens. Lucky enough to have found more than what I wanted. I’d like to broaden my horizons. I wish to travel. Far as the most distant stars. I search for love. Also, I wait for it. Serendipity exists. Many times, I had wasted love. There were instances when I played with it. Despite these, I know it’ll still come. And I feel it coming real soon. Well, it should. Because I’m not getting any younger. I loved and I was loved. There was passion. And I would like to feel it again. I’ll continue to love. No matter what. Against the odds.